Kidlat masusukat sa 3YO race

KIKILATISIN bukas (Enero 29) ang tikas ni Kidlat sa magaganap na Three-year-old Maiden 1-2 sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Makikipagtagisan ng bilis ang inaasahang paborito sa 10 kabayong maglalaban na si Kidlat sa distansyang 1,300 meter kung saan ang unang tatawid ng meta ay tatanggap ng P10,000 premyo.

May magandang tiyempong 1:21 sa nasabing distansya si Kidlat na gagabayan ni reigning back-to-back Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year Jessie Basilio Guce.

Kakampi ni Kidlat si Arazir na makikipagbuno ng tulin sa ibang kalahok na sina Lasting Rose, Lambing Pinay, Shine Again, Mystic Melody, Uptown Girl, Camorra, Silent Power at Rivers Of Gold.

Inaasahang magbibigay ng magandang laban ang kalahok na si Camorra na rerendahan ni Pat Ramos Dilema at Rivers Of Gold na sasakyan ni star jockey Jeffrill Tagulao Zarate.

Samantala, pipilitin ni Hot na makadalawang sunod na panalo sa buwan na ito sa Class A Division 1.

Nagwagi si Hot noong Enero 19 sa pista ng San Lazaro kung saan ay tinalo niya ang liyamadong si Amanda.

Si Hot ay rerendahan ni Guce na muling haharapin sina Bahala Na na sumegundo sa una at Matter Of Honor.

Ang ibang kasali ay sina Dugo’s Sprite, Carefree Treasure, Power Negotiator at Federer. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply