Kilos-protesta ikinasa ng Piston

SINIMULAN ngayong araw ng mga transport group ang kanilang kilos-protesta laban sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) magsasagawa sila ng picket ngayong umaga sa tanggapan ng mga oil company sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Piston secretary-general George San Mateo, pinag-aaralan na rin umano nila ang posibleng pagsagawa ng tigil-pasada sa mga susunod na araw.

Kaninang madaling araw, nagtaas ng P1.50 sa kada litro ng diesel at P1.75 sa kada litro ng gasolina ang Eastern Petroleum.

Alas-6:00 naman ng umaga, sabay-sabay na nagtataas ng P1 sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene ang Petron, Chevron, Total at Flying V. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply