Kim Henares: Corona walang ITR mula ’02-’10

INAMIN n  Internal Revenue (BIR) Comm. Kim Jacinto-Henares na walang record ng income tax return (ITR) si Chief Justice Renato Corona sa mga nakalipas na taon habang isinalang sa paglilitis kanina sa Senado.

Ayon kay Henares, sa kanilang listahan ay hindi nakapagsumite ng ITR ang punong mahistrado mula noong 2002 hanggang 2010.

Gayunman, iginiit ng abogado ni Corona na si dating Justice Serafin Cuevas na wala itong kaugnayan sa isyu ng SALN na nakasaad sa articles of impeachment.

Kung may lilitaw aniyang bagong reklamo ay handa silang sagutin para sa ikalilinaw ng usapin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply