Kinaliwa ng dyowa, bading naglaslas sa QC

KRITIKAL ang isang bading nang maglaslas matapos hindi matanggap ang pag-iwan sa kanya ng kinakasamang lalaki sa Quezon City kaninang tanghali.

Kinilala ng pulisya ang naglaslas na kasalukuyang nakaratay sa Capitol Medical Center na si Joseph Fedelin, 44, Korean language teacher, ng Victoria Tower condominium kanto ng Panay Ave. at Timog Ave., Brgy. South Triangle, QC.

Nakaratay din sa nasabing pagamutan ang boyfriend ng biktima na si Jefferson Cataleg, isang call center agent matapos sabuyan sa mukha ng asido ng nagalit na kinakasamang si Fedelin.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, nauna sa insidente, kaninang umaga, habang ang dalawa ay nasa kuwarto nila sa 16th flr. ng Victoria Tower condominium sa kanto ng Panay Avenue at Timog Avenue, Bgy. South Triangle, QC ay nagtapat umano si Cataleg na tapusin na ang kanilang relasyon subalit nagalit at sinabuyan siya ng muriatic acid ng biktima.

Dahil dito, agad lumabas ng bahay si Cataleg at humingi ng saklolo sa mga residente roon para magpahatid  sa pagamutan.

Dakong 12:00 ng tanghali naman nang nagtangkang tumalon sa bintana sa 16th flr ng tower condominium si Fedelin at sa pagresponde ng taga-Bureau Fire Protection ay napigilan siya.

Hindi pa rin nakontento ang biktima at naglaslas naman ng kanyang pulso kaya agad na siyang inaresto ng mga pulis si Fedelin at isinugod sa pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply