‘Kindergarten on wheels’ ilulunsad sa Quezon City

UPANG makatipid sa silid-aralan, isinulong ng Bagong Henerasyon Party-list ang kindergarten-on-wheels (KOW) project.

Ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, solusyon ito sa malawak na kakulangan ng silid-aralan na siyang nagpapabagal sa maagang edukasyon ng mga kabataan.

Ang proyektong KOW sa pakikipagtulungan ng Department of Education ay pangunahing iniaalay ni Hererra-Dy ika-79 kaarawan ng yumaong dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Ito ay pasisinayaan bukas (Martes, Enero 24) sa Corazon C. Aquino Elementary School sa Barangay Batasan Hills, QC.

Magiging panauhin dito si Education Secretary Armin Luistro.

“Budgetary constraints are not the only reasons that have held back our pre-school education program. We are now faced by lack of space for new schoolbuildings but we intend to address this with the novel idea behind the kindergarten-on-wheels,” ani Herrera-Dy, vice chairperson ng House committee on welfare of children.

Tinukoy pa ng kongresista ang istadistika na nagpapakitang tumaas ang bilang ng mga batang hindi nakapag-enroll sa pre-school ng mas mababa sa 30 porsiyento mula sa edad 3 hanggang 6 simula noong 2002.

“The number of pre-school enrollees is expected to nearly triple this year as compared to the number of pupils ten years ago.  Clearly, this would require more classrooms but not necessarily those found in school buildings,” ayon kay Herrera-Dy.

Si Herrera-Dy ang pangunahing may-akda sa House Bill No. 1079 na nagpapatatag sa alternatibong “child care laws” ng bansa at HB 1080 na nagsusulong naman na magkaroon ng kahit isang special education center ang school division at tatlong SPED sa malalaking school divisions.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply