Kita, buwis na binayaran ng mga Corona inisa-isa ng BIR chief

INISA-ISA ni Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang kita at buwis na binayaran ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona at lumalabas na hindi siya nagsumite ng income tax return (ITR) mula 2002 hanggang 2010.

Pero sa direct examination na isinagawa ni private prosecutor Atty. Arthur Lim, inilahad ni Henares na sapat na ang alpha list na isinusumite ng Korte Suprema sa BIR.

“Alphalist is a document enumeration of all employees of certain employer, their income earned and amount withheld and this are submitted by the employer at the month after the end of the year, ” ayon kay Henares.

Dagdag pa ng BIR Chief, batay sa section 51 ng National Internal Revenue Code (NIRC), hindi na kailangang magsumite ng ITR ang isang indibidwal kung isa lamang ang source of income nito dahil sapat na ang isinusimite ng employer nito na “alpha list” at dito kabilang si Corona.

Pero ibinunyag ni Henares na hindi nagsumite ng alpha list ang SC mula 2002 hanggang 2005 bagama’t hindi naman nangangahulugan na hindi nga nagbayad ng buwis si Corona at ang Korte Suprema.

Sa pamamagitan ng pagtatanong ni Senator-judge Ralph Recto, inilahad ni Henares ang nilalaman ng alpha list na isinumite ng SC mula 2006 hanggang 2012.

Batay sa naturang alpha list, P109, 706.60 ang binayarang buwis ni Corona mula sa kabuuang kitang P465, 597.00 para sa taong 2006.

Sa taong 2007 naman, P117, 399.31 ang binayarang buwis mula sa kabuuang kitang P488, 156.57.

Sa taong 2008, P154, 057.75 ang binayarang buwis mula sa P604, 388.46 kita.

Sa taong 2009, P155, 556.20 ang binayarang buwis at P621, 528.62 naman ang kabuuang kita.

At sa 2010, P176, 577.32 ang binayarang buwis mula sa kitang P657, 755.57.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply