KMP nagbabala sa ‘motibo’ ni PNoy sa impeachment ni Corona

BAGAMA’T suportado ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay nagbabala ang mga ito na posibleng kontrolin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino ang Korte Suprema upang mapanatili ng kaniyang pamilya ang pagmamay-ari sa Hacienda Luisita.

Binigyang diin ni KMP secretary general Danilo Ramos na si Corona ang humaharang upang mapapanagot si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kasong inihain laban sa kaniya.

“Indeed, Corona is one of the stumbling blocks in making Arroyo accountable but the people must be warned of a more evil plot of Aquino taking control over the Supreme Court,” ani Ramos.

Lantad naman aniya sa taumbayan na ang tunay na motibo ni Pangulong Aquino sa pagpapastalsik kay Corona ay upang makontrol ang SC at mabaligtad ang naunang desisyon ng Kataastaasang Hukuman sa Hacienda Luisita.

Sinabi pa ni Ramos na nais lamang ni PNoy na gamitin ang sentimyento ng mga kritiko ni GMA para mapanatili ang kaniyang popularidad at mapagtakpan ang kabiguan nito na masolusyunan ang lumalalang pangangamkam ng lupa sa bansa, kahirapan at kagutuman ng milyong Pilipino.

“Aquino’s lack of seriousness in making Arroyo accountable can be seen in the weak charges and political accommodation extended by his administration to the former president, plunderer, and human rights violator,” giit pa ni Ramos.

Dahil dito, nanawagan si Ramos sa taumbayan na bantayan ang impeachment ni Corona upang hindi malinlang ng administrasyong Aquino ang publiko.

“The Cojuangco and Aquino families are masters of deception. They have deceived farm workers for more than half-a-century by maintaining control over Hacienda Luisita. We should not be deceived by Aquino’s real motives behind Corona’s impeachment by demanding that Arroyo be sent behind bars and oppose the Cojuangco family’s maneuvers to maintain control over Hacienda Luisita,” pagdidiin pa ni Ramos. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply