Kolehiyalang Hapones hinalay, ninakawan sa Baguio

INIREKLAMO ng isang Japanese student ang isang college graduate sa panggagahasa sa kanya nito at pagnanakaw pa umano sa mismong boarding house sa lungsod ng Baguio.

Ayon sa salaysay ng 20-anyos na Haponesa, isang exchange student ng AB English sa University of Baguio na nagmula pa sa Nagasaki, Japan, nakilala nito ang suspek sa pangalang Jomar Garcia sa SM Mall at nagkayayaan silang uminom.

Nabatid pa sa Hapones, niyaya siya ng 21-anyos na binata na isang college graduate at tubong Arayat, Pampanga sa boarding house nito sa Lower Cabinet Hill sa lungsod hanggang sa masobrahan ang dalaga sa ininom nilang alak.

Base pa sa pahayag nito sa Baguio City Police Office, sumunod umano rito ang ginawang pagsasamantala sa kanya ngunit na niya nagawang manlaban dahil sa sobrang kalasingan at panghihina.

Mabuti na lamang at dumating ang isa sa mga kaibigan ng suspek at ito na ang umawat sa ginagawang panghahalay ni Garcia.

Sinabihan umano siya na magtungo ng Camph John Hay.

Gayunman, nang matauhan ang biktima ay nalaman nito na nawawala na rin ang kanyang bag na naglalaman ng digital camera, cellphone, wallet at iba na na may kabuuang halaga na P28,000.

Nakapiit na ngayon sa Baguio City Jail ang suspek dahil sa iba pa nitong kasong pagnanakaw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply