Korean natagpuang patay sa motel sa Malate

MALAMIG na bangkay na ang isang 54-anyos na Korean national nang matagpuan ito sa tinutuluyang motel sa Malate, Maynila Huwebes ng umaga.

Ang biktima ay kinilala na si Jae Gun Oh, may-asawa, dating area manager ng Korean Casino ng Hyatt Hotel at pansamantalang nanunuluyan sa Room 318 Lovely Moon Pension Inn sa 1718 J. Bacobo St., Malate, Maynila.

Sa imbestiagsyon ni PO3 Amelito Lopez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 7:30 ng umaga nang madiskubreng patay na ang biktima sa loob ng tinutuluyang kwarto.

Sa pahayag ni Reymark Placencia, room attendant ng nasabing motel, kinakatok niya ang kuwarto ng biktima subalit walang sumasagot kaya nagpasyang gamitan ito ng duplicate key. Nagulat si Placencia na tumambad sa kanya ang bangkay ng biktima.

Agad na sinabi ni Placencia sa kanyang kasamahan na si Jose Bobiles ang pangyayari at agad nila itong inireport sa pulisya.

Sa inisyal na pagsusuri sa biktima, wala namang nakitang anumang palatandaan na sinaktan ito kaya malakas ang hinalang namatay ito dahil sa sakit.

Una rito, nag-check in ang biktima noong December 28, 2011 subalit noong hapon ng Enero 4, 2012 ay dinalaw siya ng isang Dr. Choi, isa ring Korean at nabatid na kinabitan siya (biktima) ng dextrose sa kamay.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Ivan Funeral Homes para sa autopsy at safekeeping at naipagbigay-alam na rin ang naganap sa biktima sa Korean embassy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply