Koreano natangayan ng laptop sa Baguio

NATANGAY ng tatlong armadong kalalakihan ang laptop ng isang Koreano habang nasa isang coffee shop sa Baguio City.

Ayon sa report ng Baguio City Police sa Camp Crame, natangay sa 22-anyos na si Rae Hyeok Jaung, ang laptop nito na nagkakahalaga ng P35,000.

Sa inisyal na imbestigasyon, nasa Cafe Merlion Coffee Shop sa Purok 9, Tacay Road, Pinsao Proper, Baguio City ang biktima nang dumating ang talong armadong suspek.

Sapilitang kinuha ng mga ito ang laptop ng biktima.

Agad na tumakas sakay ng Toyota Tamaraw FX (UVK-421) ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasbaing kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply