Kotongerong pekeng brodkaster sa Dagupan natimbog na

BUMAGSAK na sa kamay ng Dagupan City PNP ang pekeng reporter at nangongotong sa mga barangay official sa Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Nelson Marmeto alyas Nelson Tulfo, mula sa bayan ng Infanta, Pangasinan, na nagsasabing reporter siya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay SPO1 Rodel Peralta, station commander ng PCP 4 ng Dagupan City PNP, namataan nitong gumagala sa Brgy. Bolosan sa Dagupan partikular sa tabi ng chapel ang suspek at tila naghahanap muli ng mabibiktima.

Nakilala umano niya ang suspek base na rin sa pag-identify dito ng mga naging biktima nito sa bayan ng San Fabian at bayan ng Mangaldan, na putol ang paa at mataba.

Modus ng suspek na akusahan ang isang barangay official ng katiwalian o sa mga establisimyento na hindi raw nagbabayad ng buwis.

Nakapangbiktima na rin ito ng mga driver na kanyang tinatakot na patatanggalan ng prangkisa, kasabay ang alok na bayaran na lamang siya upang manahimik o itikom ang bibig sa nalalaman.

Dagdag ni SPO1 Peralta, nagmamakaawa pa si alyas Tulfo na pakawalan na lamang, subalit dahil sa dami ng reklamo laban dito, ay kanila na munang ikinulong.

Nakuha sa suspek ang malaking identification card na Bombo Radyo at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

Sa nakuhang karagdagang impormasyon mula sa Bombo Radyo, mahigit na limang taon ng hindi konektado sa DWGO sa Olangapo City dahil sa dalawang taon niyang pananatili bilang anchorman ay marami ng mga reklamo sa kanya ng pangongotong sa Olangapo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply