Kumatay sa 13-anyos dalagita arestado na

ARESTADO na ang sariling tiyuhin na pumatay sa 13-anyos na dalagita matapos makita ng isang ginang na tumalon sa ilog ng dis-oras ng gabi kanina sa Sta. Mesa,Maynila.

Hawak na ng MPD-Homicide Section ang suspek na si Ronald Pelaez, 37, sinasabing drug addict ng Quinta St., Sta. Mesa, Maynila.

Nasa kustodiya rin ng pulisya ang isa pang kapatid ng suspek na si Roberto, katulong ng una na nagdala sa biktimang si Adrienne Mharie Bonavente sa UST  hospital.

Ayon kay Branagay Chairman Benjamin Nuguit ng Brgy. 424 Zone 43, nakuha nila ang impormasyon sa hindi pinangalanang ginang na nakakita sa suspek na tumalon sa ilog mula sa lugar kung saan ito nakatira.

Sa tanggapan ng MPD- homicide section, mariin namang itinanggi ng suspek ang paratang sa kanya.

Gayunman, patuloy pa rin ang pangangalap ng ebidensya at impormasyon ng pulisya kaugnay sa insidente kung saan pinaniniwalaan ng awtoridad na tinangkang pagsamantalahan ng suspek ang dalagita pero nanlaban ito kaya siya pinagsasaksak.

Isang 13-anyos na pinsan din ng biktima ang nakadiskubre sa duguang biktima kaya agad nitong ipinagbigay alam  sa kanilang lola na siya namang humingi ng  tulong sa suspek at kapatid nito para dalhin sa ospital ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply