La Tenorio sa Alaska pa rin

NILINAW ni Joaqui Trillio, Alaska team manager na hindi nila bibitiwan ang point guard na si LA Tenorio kasunod ng unang naipabalitang ipagpapalit si Tenorio kay Solomon Mercado ng Meralco Bolts.

Idinagdag pa ni Trillio na masaya ang point guard nila sa Aces.
Inaashaang magbabalik ang dating laro ni Lewis Alfred Tenorio (buong pangalan ni LA) kasunod ng paggaling ng dinaramdam niyang siko na bahagyang nagkadeperensiya noong nagdaang komperensiya.
Handang-handa na rin na muling sumabak si Tenerio sa PBA Commissioners cups na magbubukas sa susunod na buwan.

Samantala, madadagdag naman si Paul Artadi sa backcourt ng Meralco Bolts sa pagkuha ni coach Ryan Gregorio kay Artadi.

Si Artadi ay naglaro sa Barako Bull kapalit ni Chico Lanete.

Animo reunion nina Gregorio at Artadi ang susunod na PBA Commissioners Cup at tatatag ang backcourt ng Meralco sa pagsasama nina Artadi at Solomon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply