‘Labeling’ susi sa pagtaas ng kalidad ng bangus– DTI, BFAR

UPANG maitaas ang kalidad ng ibinebentang bangus, ipatutupad na ang “labeling” sa Dagupan City sa Pangasinan.

Ang labelling ay isa sa hakbanging isinusulong ng City Agriculture’s Office sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Research Institute upang maitaas ang market-value ng bangus-Dagupan.

Layon din ng hakbang na ito ang maipakilala ang bangus upang mai-export sa ibang bansa.

Bagama’t maganda ang layuning ito, kontra naman ang ilang mamimili dahil tiyak na tataas umano ang presyo ng bangus lalo sa pag-angkat nito sa pondohan o bagsakan ng isda.

Ayon naman sa ilang bangus dealers, ang mababang supply ng bangus ngayon ang dahilan ng pagtaas ng presyo nito at hindi ang isasagawang “labelling.”

Tiniyak naman ng City Agriculture Office na walang shortage sa supply ng bangus sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply