Labi ni Iggy Arroyo sa Huwebes pa maiuuwi

MAAARING sa Huwebes o Biyernes pa maiuwi ang mga labi ni Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo.

Nabatid na Biyernes lamang ng hapon dumating sa London ang panganay na anak ni Arroyo na si Bianca na siyang pumirma sa death certificate nito kaya inabot ng weekend ang pag-aasikaso ng mga papeles na karamihan sa mga opisina ay sarado.

Dahil dito, ngayong Lunes lamang mapoproseso ang “out of England permit” na inaasahang tatagal ng isa hanggang dalawang araw bago makapagpapalabas ng clearance ang Embahada ng Pilipinas sa London.

Hindi rin ganoon kadali magpa-book ng flight para sa pag-uuwi ng mga labi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply