Labi ni Rep. Iggy Arroyo maiuuwi na

KUMPIRMADONG maiuuwi na sa Biyernes ang labi ni Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo mula London.

Ito ay nang dumating lamang nitong Biyernes ng haponsa London ang panganay na anak ni Iggy na si  Bianca na siyang pumirma sa death certificate nito.

Sinasabing aabot ng weekend ang pag-aasikaso ng mga papeles ng opisyal dahil  karamihan sa mga opisina ay sarado.

Inaasahan namang  tatagal ng isa hanggang dalawang araw bago makapagpapalabas ng clearance ang Embahada ng Pilipinas sa London at tuluyang maiuwi ang labi ng kongresista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply