Lacson, Escudero tutol sa pagrarasyon ng langis

TUTOL si Senador Panfilo Lacson sa agarang pag-aanunsyo ng Department of Energy hinggil sa posibleng pagrarasyon ng langis oras na tumuloy ang krisis sa Iran.

Ayon kay Lacson sa halip na mag-isyu ng ganitong nakakabahalang pahayag, mas makabubuting tahimik na kumilos at maghanda ang gobyerno sa maaaring maging epekto ng suplay at presyo ng langis sa bansa ng tumitinding tensyon sa nasabing bansa.

Binigyang diin ni Lacson na ngayon pa lang ay dapat nang bumuo ng contingency plan ang DOE para paghandaan ang posibleng krisis sa langis na magdudulot sa bansa ng nangyayaring kaguluhan.

Samantala, umaasa naman si Senador Chiz Escudero na hindi hahantong sa pagrarasyon ng langis sa Pilipinas.

Tiwala si Escudeo na kayang aksyunan at pangasiwaan ng DOE ang sitwasyon o ang epektong naidudulot sa bansa ng krisis sa Iran.

Samantala, pinuri naman si Energy Secretary Jose Almendaras sa pagkakaroon nito ng foresight at inisyatiba na tingnan kung ano ang maaaring mangyari at maging epekto sa bansa ng mga nangyayari sa mundo.

Dahil dito, maaga pa anya ay napaghahandaan ng ating gobyerno ang maaaring maidulot sa bansa ng nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Una rito ay inihayag na ng DOE na sakaling tumindi ang krisis sa Iran ay isa sa mga opsyon na kanilang ikinokonsidera ay ang fuel rationing.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply