Lagman: SC winawasak ng House panel

PAGWASAK sa Supreme Court ang gagawang paggamit ng House panel sa mga mahistrado bilang kanilang witness sa impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, dapat  alalahin  ng mga   House of Representatives prosecution panel  ang  pagtawag  sa mga mahistrado   bilang testigo  ay hindi lamang laban kay Corona kundi maging  sa bawat isa sa kanila

“Calling the justices as witnesses will make them testify not only for or against the CJ Corona but also against each other,” ani Lagman sa isang press statement.

Malalabag din ang time-honored confidentiality sa deliberasyon ng mga Justices sa kanilang disposisyon sa mga kaso.

Mahihimay-himay kasi aniya ang  naging kolektibong  desisyon ng  SC sa gagawing  paghahanap na  ebidensya sa pag-ungkat ng prosekusyon.

Sa ganitong  paraan aniya ay hindi na lamang si Corona ang naisasalang sa kaso kundi ang buong Supreme Court na dahil ang kanilang maging testimonya ay magagamit din laban sa kanila lalo na’t may mga banta ring kasong pagpapatalsik sa iba pang mahistrado. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply