Lapid malungkot sa kinasangkutan ng misis

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Senador Lito Lapid kaugnay sa pagkakasangkot ng kanyang asawa sa hindi pagdedeklara ng tamang halaga ng salapi na pinapayagan sa ilalim ng batas ng Estados Unidos.

Gayunpaman, ani Lapid, mayroon nang abogadong magtatanggol sa kanyang misis na si Marissa.

“Nakalulungkot ang pangyayaring ito pero handa naman ang asawa ko na sagutin ang anumang issue tungkol sa insidente at may abogado na siya na nag-aasikaso doon,” diin ni Lapid.

Naniniwala ang senador na handa ang kanyang asawa na depensahan ang kasong kinakaharap.

Gayunpaman, sinabi pa ni Lapid na sa kasalukuyan ay naghihintay  pa rin sila ng detalye at impormasyon mula sa mga abogado.

Nauna rito, inaresto si Marrisa noong Enero 15 sa Las Vegas dahil sa kasong dollar smuggling matapos mahuli sa international airport noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Pinakawalan naman si Mrs. Lapid sa bisa ng bail at nananatiling nakabinbin ang resolusyon ng kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply