Las Piñas bumaha sa nasirang main pipe

NAGRESULTA ng pagbaha ang tumagas na main pipe ng Maynilad sa gitna ng kalsada sa Barangay Pamplona Uno sa Las Piñas City.

Nabatid na umabot sa loob ng bahay ng isang traffic enforcer ang tubig.

Ayon sa Maynilad, bagong-bago pa lamang ang mga linya ng tubig sa lugar mula sa kanilang Putatan Water Treatment Facility.

Bagama’t malaki ang tagas, may ibang linya naman ng tubig na maaaring pagkunan ng suplay kaya hindi maaapektuhan ang Las Piñas, Muntinlupa at Katimugang bahagi ng Cavite.

Nakontrol ang sitwasyon, pasado alas 4:00 ng madaling-araw.

Samantala, ilang kabataan naman ang nagkasayahang maligo sa mistulang giant fountain mula sa leak at nag-piktyuran pa habang ang ibang nagdaraan, hindi magkandaugaga sa pagkuha ng video sa kakaibang tanawin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply