Lebanon, Jordan gagawing exit point sa repatriation ng OFW

PLANONG gamitin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga bansang Lebanon at Jordan bilang mga exit points palabas ng Syria.

Ayon sa DFA, ang plano ay kung tuluyang umigting ang nagaganap na kaguluhan sa nasabing bansa.

Sa kasalukuyan tanging ang Damascus lang ang ginagamit bilang exit point ng mga inililikas na overseas Filipino workers (OFW).

Patuloy pa ring umaasa ang DFA na madadagdagan pa ang mga Pilipinong uuwi ng Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation.

Muling nanawagan ang Malakanyang sa mga OFW na naiipit sa Syria na makipagtulungan sa pamahalaan at umuwi na ng Pilipinas.

Ayon sa ulat na nakalap ng pamahalaan, may ilan sa manggagawang Pinoy ang tumatangging umuwi sa nangangamba ang mga ito wala rin silang aabutang trabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may assistance na makukuha ang mga uuwing OFW mula sa Department of Labor and Employment (Dole) upang magamit habang naghahanap sila ng trabaho sa ibang bansa. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply