LeBron James ikakasal na

KUMPIRMADONG handa nang magpakasal si Miami Heat star LeBron James sa kanyang long-time girlfriend na si Savannah Brinson.

Ito ay matapos mag-propose si James sa kanyang high school sweetheart na si Brinson.

Dapat na rin naman umanong magpakasal ang dalawa dahil mayroon an silang dalawang anak, ang 7-year-old na si LeBron James Jr. at ang 4-year-old na si Bryce Maximus James.

Nabatid na lumuhod pa si James sa harap ng dalaga habang nanonood ang pamilya nito at mga kaibigan.

Ayon sa ulat, inilatag ni James ang proposal sa medya noche kung saan kasabay naman ang selebrasyon ng kanyang 27th birthday.

Mismong si teammate Dwayne Wade ang naghanda ng singsing para kay James hanggang sa actual proposal habang ang isa namang ring ay sorpresa ring ibinigay ni LeBron kay Brinson na ikinagulat at ikinilig ng may 50 guests sa event.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply