Lechon na may anghit

MISYON aksyon, kaming kapulisan sana ay mabigyan ng proteksyon o konsiderasyon dahil ang isa sa aming mataas na opisyal ng QCPD na si Sr. Supt. Subong ay may ugaling kakaiba na kapag hindi siya nasasaluduhan ay tiyak matatapon ka NOONG nakalipas na Pasko at Bagong Taon ay simot ang mga panindang lechon sa La Loma sa Quezon City dahil sa dami ng taong  bumili ngunit hindi lahat ng nakabili ng lechon ay naging masaya lalo na sa pagsalubong ng bagong taon.

Isang ginang ang lumapit sa inyong lingkod para ireklamo ang kanyang nabiling lechon sa Ping-Ping Lechon sa may Blumentritt Branch noong nakalipas na Disyembre 31 ng hapon.

Ayon sa nagreklamong ginang na may asawang Hapon at ayaw na ipabanggit ang kanyang pangalan, tuwang tuwa siya dahil nakatawad siya ng P500 sa nabiling lechon na sa halip na P5,000 ang presyo nito ay naging P4,500 na lang.

Dinala ang nabiling lechon sa kanilang bahay sa lungsod ng Pasay at makalipas ang ilang oras ay  inalis na ang balot nito  para ayusin sa kanilang hapag kainan o mesa.

Laking gulat ng ginang nang ibuka ang bunganga ng lechon para lagyan ng mansanas dahil naibuka raw ng husto ang  bunganga ng baboy at nalaglag ang dila nito.

Hindi ito pinansin ng ginang  hanggang sa biyakin na ang lechon kung saan ay umalingasaw ang masangsang na amoy  ng baboy (pasintabi lang po sa mga kumakain dahil ang loob daw ng  lechon ay amoy “tae”).

Ano ba naman yan, hindi  ba alam ng management ng Ping-Ping Lechon na ang kanilang ibinibentang lechon ay nakasusulasok ang amoy?

Hindi ba muna nila ito iniinspeksyon bago ibenta sa publiko?

Tinawagan ko ang Ping-Ping Lechon para hingin ang kanilang panig at dito ay nakausap ko ang nagngangalang “Bong” na sinasabing isa sa mga may-ari.

Aminado si Bong na may baboy na talagang ganito ang amoy at ito ay tinatawag nilang “Anggo” at hindi raw ito maiiwasan.

Sa 100 baboy ay mayro-on daw ditong isa o dalawang ganito ang amoy.

Kung baga sa tao ay may “anghit” na kahit ano ang gawing paligo ay hindi naaalis ang amoy sa katawan nito.

Ganito rin daw ang “anggo” na sa baboy naman.

Kahit na ano pang paliwanag siguro ang gawin ng management ng Ping-Ping Lechon ay wala na ring saysay dahil nakaranas na ang ginang na ito ng hindi maganda sa kanilang panindang lechon.

Napag-alaman ng Lily’s Files na ang ginang na ito ay may 4 na taon nang kostumer ng Ping-Ping Lechon.

Dahil sa naranasang nakasusukang amoy sa  kanilang nabiling lechon  noong bago mag-Bagong Taon ay tuluyan na itong nawalan ng tiwala sa mga  lechong ibinibenta ng Ping-Ping Lechon.

Dapat din sanang maging alerto rito ang tanggapan ng National Meat Inspection Commission (NMIC) at i-monitor nila ang mga baboy na  kinakatay at nililitson diyan
sa La Loma o  kahit saang lugar pa ito.

Para sa inyong reklamo at suhestiyon at komento ay mag-text lang sa 0915-5683000  o kaya ay mag- email sa lily_reyes13@yahoo.com.

oOo

Maraming-maraming salamat po  sa mga su-musuporta ng Lily’s Files Column dito sa pahayagan ng REMATE.

At doon naman po sa halos 2,000 na nag-text sa inyong lingkod tungkol sa isyu ng nakawan ng load at kasinungalingan ng GLOBE, asahan po ninyo na isa sa mga araw na ito ay ating babalikan at tatalakayin ang isyung ito.

Kailangang matigil na ang sinasabing simpleng pagnanakaw ng load na ginagawa umano ng GLOBE.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply