Legal team ni Corona nadagdagan ng tatlo

NAGKAROON pa ng tatlong dagdag ang miyembro ng legal team ni Chief Justice Renato Corona kaugnay sa kinakaharap na impeachment complaint sa senado.

Kinilala ni Supreme Court Spokesman Midas Marquez ang mga nadagdag na sina dating Justice Undersecretary Ramon Esguerra, Atty. Tranquil Salvador at Karen Jimeno.

Kasabay nito, itinanggi ni Marquez ang ulat na nagbitiw bilang miyembro ng legal team si Atty. Hector Hofileña.

Paliwanag ni Marquez, hindi naging miyembro ng legal team ang nasabing abogado.

Sa kaso naman ni Atty. Ernesto Francisco, kinumpirma ni Marquez na kumalas na ito sa legal team para na rin sa ikabubuti ng grupo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply