Leprosy symposium idaraos sa bansa

BILANG paghahanda sa World Leprosy Day sa Enero 30 ay magsasagawa ang Department of Health (DOH) sa kooperasyon ng Novartis Foundation for Sustainable Development (NFSD) ang kauna-unahang Leprosy Stakeholders Symposium sa Enero 25 sa  Puerto Princesa City, Palawan.

Magsama-sama sa groundbreaking symposium ang mga malalaking stakeholder at partner mula sa gobyerno at civil society organization sa layong matanggal ang leprosy sa mga lugar sa Pilipinas kung saan may mga tinatamaan pa rin ng naturang sakit.

“We are pleased to work with the Novartis Foundation for Sustainable Development in organizing this important symposium. Although the country has made significant progress in controlling leprosy, we want to further strengthen the national leprosy control program by consolidating the efforts of all concerned stakeholders,” ayon kay Health Secretary Enrique T. Ona.

“It is our privilege to partner with the DOH and other local stakeholders in achieving our shared goal of a leprosy-free Philippines. Through this symposium, we hope to establish leprosy-free zones in the country by 2015,” pahayag naman ni NFSD President and Managing Director Klaus M. Leisinger.

Ayon naman sa Novartis Healthcare Philippines, nais umano nitong  makipagtulongan  upang matiyak na  maging leprosy-free zones ang bansa  at masiguro sa mga Filipino  na may mga sakit na leprosy na mabibigyan sila ng anti-leprosy medications na walang bayad.

Kabilang sa malalaking stakeholders na dadalo sa symposium  ay ang WHO, WHO Regional Office for the Western Pacific, Stop TB and Leprosy Elimination, Culion Foundation, Inc., Philippine Leprosy Mission, at Philippine Dermatological Society. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply