LGU pananagutin sa ComVal landslide

PINAPANAGOT ng mga awtoridad ang lokal na opisyal ng Pantukan, Compostela Valley (ComVal) sa naganap na landslide na ikinamatay ng 25 katao at ikinasugat ng 15 pa.

Ayon kay ComVal Gov. Arthur Uy, mayroong ipinapatupad na ban sa pagtatayo ng kabahayan malapit sa small-scale mining area sa Sitio Diat I at sa II sa Barangay Napnapan.

“Hindi natin pinapayagan… pero napakalayo ng lugar at mahirap i-monitor kung may bumabalik na mga miner doon … I want to talk to the mayor bakit nakabalik ang minero,” pahayag ni Uy.

Anito, ang Sitio Diat I at II ay mga lumang small-scale mining area.

Sinabi rin ni Uy na ipinakakasa na sa mga lokal na opisyal ang pwersahang paglilikas sa mga residente mula sa lugar matapos ang landslide.

Sinisi rin ng gobernador ang dalawang-linggong walang-tigil na pagbuhos ng ulan sa lugar.

“Since Dec. 16 may advisory tayo sa lahat na minahan to vacate the area,” pahayag nito.

Idinagdag ni Uy na ilan sa mga biktima ay matitigas ang ulo dahil pumuslit sila pabalik sa kabila ng pagbabawal ng mga awtoridad.

Bukod sa mga pag-ulan, sinisisi rin ng gobernador ang paglindol kaninang madaling araw kaya maaaring lalong lumuwag ang lupa kaya nagkasa ng landslide.

Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) director Benito Ramos na mano-manong naghuhukay ang mga rescuer upang mahanap ang mga natitirang survivor dahil ang kagamitan ay parating pa lamang sa lugar.

Naitala ng The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng magnitude-3.0 na lindol na naramdaman dakong 12:01 Huwebes ng umaga.

Batay sa ulat na nakarating sa NDRRMC, sa 16 na inisyal na kaswalidad kabilang ang anim sa Sitio Diat I at sampu naman sa Sitio Diat II.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply