LGUs pinaghahanda na sa mga kalamidad

PINAYUHAN ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang mga local government unit (LGU) na ngayon pa lamang ay paghandaan na ang mga posibleng paparating na kalamidad sa bansa.

Ito ay kasunod nang ulat na isa ang Pilipinas sa mga bansang nangunguna sa sa listahan ng pinaka-napinsalang bansa ng kalamidad noong 2011, sa buong mundo.

Ayon kay Robredo, ngayong prayoridad ang disaster management ay magsasakasa ang ahensya ng regional caravan upang isulong ang kahalagahan ng kahandaan sa mga kalamidad ng mga lokal na pamahalaan.

Aniya, layunin nito na ipaalala sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan na gawin ang kaukulang paghahanda tulad ng mga drill, pag-alam sa mga posibleng kalamidad na tatama sa nasasakupang lugar tulad ng baha, bagyo at lindol at kung paano nila ililikas ang kanilang mga residente sa oras ng kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply