Libreng suplay ng gamot sa matatanda sa Taguig

GANAP nang inilatag ni dating Congressman Henry Dueñas Jr., ang pagtutustos ng libreng gamot na kailangan ng mga senior citizen upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito sa 2nd District ng Taguig City.

Sa katatapos na health related activity na ginanap sa Barangay Central Signal Village, ay muling natikman ng mga matatandang mamamayan ang isa sa mga pangunahing programa ni Dueñas na kanilang tinangkilik noon.

Anila, nawala ang mga mahahalagang programa na nagpapagaan sa kanilang kahirapan tulad ng birthday cash gifts, free burial assistance, diskuwento sa hospital at maging libreng pagkain para sa kanilang mga apo na nag-aaral sa Taguig City University.

Sa gitna ng makapal na bilang ng senior citizens, sinabi ni Dueñas na nakahanda siyang maglingkod muli bilang kinatawan ng mamamayan sa mababang kapulungan ng bansa.

“Alam ng mamamayan kung gaano ko sila pinaglingkuran ng maayos at inaasahan ko na tatangkilikin nila akong muli sa aking napipintong pagbabalik,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply