Lider ng gun-for-hire nasukol sa Laguna

NAKUWELYUHAN ng pulisya ang lider ng isang gun-for-hire group sa Batangas Miyerkules ng madaling araw, ayon sa ulat ng pulisya.

Sinabi ni Chief Inspector Jay Agcaoili, Criminal Investigation and Detection Group-Batangas chief, na ang suspek na si Ceperino Atienza ay nadakip sa Barangay Santisimo Rosario sa San Pablo City, Laguna dakong alas-4:30 ng madaling araw.

Nagtago si Ceperino matapos mapatay ang kanyang dalawang tauhan noong Enero 24, 2009.

Siya rin ang itinuturong gunman ng pinaslang na municipal councilor ng Laguna na si Ompo Malipol noong 2009.

Narekober sa suspek ang isang caliber .45 pistol, magazine ng carbine rifle at iba pang ammunition, dagdag pa ni Agcaoili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply