Life imprisonment vs 3 terorista kinatigan ng CA

MATAPOS ang  11 taon mula nang maganap ang “Rizal Day Bombing” ay idineklara na ng Court of Appeals (CA) ang parusang life imprisonment  laban sa tatlong miyembro ng terrorist organization Jemaah Islamiyah  na responsible sa naganap na pagsabog  sa LRT train  noong December 30, 2000 na nagresulta ng pagkamatay ng 11 at pagkakasugat ng 19 iba pa.

Ang pagdinig sa kaso sa Court of Appeals 7th Division ay inabot din ng tatlong taon mula ng ibigay ng Manila Regional Trial Court ang hatol na guilty laban sa tatlong akusado na sina Mukhlis Hadji Umpara Yunos, Zainal Paks at Mohamad Amir  dahil sa kasong multiple murder, multiple frustrated murder at  multiple attempted murder.

Sa apela, dinismis ng CA ang alibi ng mga akusadong terorista na nagsasabing nasa kani-kanila silang probinsya ng maganap ang insidente.

Sa 56-pahinang desisyon,binigyan ng timbang ng korte ang naging testimonya ng mga testigo kabilang si Cusain Ramos na nagsasabing tumulong ito kay Yunos, Paks at Amir na bumili ng explosive na gagamitin sa paggawa sa bomba.

Itinaas din ng korte sa halagang P175,000 mula sa P125,000 halaga ng babayaran ng mga akusado para sa civil indemnity, moral at exemplary damages sa mga naiwan ng 11 nasawi.

Naaresto si Yunos noong Mayo 25, 2003 sa Cagayan De Oro airport habang sina Paks at Amir ay naaresto naman sa Marawi City noong Agosto 2004. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply