Life imprisonment vs illegal loggers aprub na

APRUB na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa House of Representatives ang panukalang patawan ng habambuhay na pagkakulong ang mga magsasagawa ng ilegal na pagtotroso sa bansa.

Ito ang House Bill 5485, na inakda ni Rep. Rufus B. Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City) na naglalayong protektahan, rehabilitasyon at mapaganda ang kalagayan ng mga bundok sa bansa.

Nakasaad sa nasabing panukala na ang pag-ani, pagkuha at pangolekta ng troso at iba pang produkto sa kabundukan sa kahit saang bahagi sa bansa na may market value na mahigit P500,000 at walang pahintulot mula sa Secretary of the Environment and Natural Resources (DENR) ay ideklarang iligal na may katapat na kaparusahang habambuhay na pagkakulong.

Sinabi ni Rodriguez na maging ang sinumang makabili ng nasabing mga troso o anumang produkto na nakuha sa ilegal na pamamaraan mula sa bundok at gamitin sa mga proyekto ng gobyerno ay mapapatawan din ng habambuhay na pagkabilanggo.

Maging ang mga mapapatunayang guilty sa iligal na trabaho sa bundok, at conversion ng municipal parks, communal forests at tree parks, pagpalsipika ng reports, inventory scaling at forest survey, iligal na pagpuputol ng troso,  may hawak ng  mga  gamit ng pagtoroso na nasa bundok at hindi pagbabayad ng forest charges ay makukulong din ng 12 taon at multang hindi hihigit sa  P500,000.

Kabilang sa mga may-akda ng nasabing panukala ay sina Reps. Maximo Rodriguez, Jr. (Party-list, Abante Mindanao), Juan Edgardo Angara (Lone District, Aurora), Angelo Palmones (Party-list, AGHAM), Danilo Ramon Fernandez (1st District, Laguna), Erico Aumentado (2nd District, Bohol), Iggy Arroyo (5th District, Negros Occidental), Jesus Celeste (1st District, Pangasinan), Teddy Brawner-Baguilat Jr. (Lone District, Ifugao), Mel Senen Sarmiento (1st District, Eastern Samar), Diosdado Arroyo (2nd District, Camarines Sur), Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga) and Arthur Defensor Jr. (3rd District, Iloilo).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply