Life sa Kenyan nat’l na nakuhanan ng P18-M shabu

HABAMBUHAY na pagkakakulong ang inihatol sa isang Kenyan national sa kasong drug trafficking.

Sa pitong pahinang desisyon ni Lapu-lapu City Regional Trial Court Branch 27 Judge Toribio Quiwag, nahatulan ng guilty beyond reasonable doubt si Asha Atieno Oguto, dahil sa tangkang ipuslit ang tatlong kilo ng shabu na nagkakahalagang P18 million sa paliparan ng Mactan Cebu International Airport Authority(MCIAA) noong Septyembre 29, 2011.

Hindi naman napatunayan ni Oguto sa kanyang salaysay na wala siyang kinalaman sa mga shabu na nakuha sa kanyang bagahe.

Pinagbabayad din ng korte ang akusado ng P3 million.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply