Light plane sumalpok sa tricycle, 2 sugatan

DALAWA ang nasugatan matapos na sumalpok ang isang Cessna plane sa isang tricycle habang pababa sa runway ng paliparan sa bayan ng Lingayen, Pangasinan kaninang umaga.

Nakilala ang dalawang bahagyang nasugatan na sakay ng Cessna 152 aircraft na sina Queenie Gaviola, flight instructor ng Flight and Stimulator Incorporated sa Las Piñas City at ang student-pilot nito na si Joseph Valledor Jr., na residente naman ng Parañaque City.

Batay sa ulat, bigla na lamang umanong sumulpot sa runway ang tricycle habang pababa ang eroplano.

Nabatid na nawasak ang horizontal stabilizer ng eroplano habang mabilis na pinaharurot ng hindi nakilalang drayber ang kanyang tricycle matapos ang insidente.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang drayber habang iniimbestigahan na rin ang pangyayari upang mbatid kung paanong nakapasok sa lugar ang tricycle gayong mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng ibang sasakyan sa lugar lalo na kung ginagamit ang paliparan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply