Like her BFF Kris Aquino, Ai Ai delas Alas pantasya ng basketball player ng kilalang unibersidad

SA MAG-BFF o best friend forever na sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas, mas nauna si Kris na nagkaroon ng James Yap na naging ama pa ng kanyang si Baby James. Ngayon si Ai Ai naman daw ang gustong makilala ng basketball player ng kilalang team sa sikat na unibersidad.

Wala na raw ginawa ang college player na ito kundi ipagtanong ang contact number ng Comedy Concert at Box Office Queen dahil gusto niya itong ligawan.

Well, hindi natin masisi si basketeer kung hinahangad nito si Ms. Ai. Pero sana, galing sa puso niya ang lahat hindi ‘yung gagamitin lang nito ang sikat na komedyana para sa kanyang mga pangarap. Malay natin baka kapag nagkakilala na sila ni Ai ay ma-inlove ito sa kanya lalo pa’t mukhang loveless naman ito at press release lang na may bago siyang papa. Ang big question nga lang ay ilang taon na ba si nasabing basketeer baka naman 19 lang ito. Sabagay may kasabihan naman tayo na pagdating sa love age doesn’t matter.

By the way, very happy sina Ai at Bossing Vic Sotto at buong puso silang nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik ng fantasy-comedy movie nilang Enteng ng Ina Mo, na hanggang matapos ang festival ay hindi natinag ang kanilang pagiging number one sa takilya at confirmed na ang muling pagsasama ng dalawa sa Metro Manila Film Festival 2012 para sa Part 2 ng kanilang nasabing big hit movie. Panalong-panalo gyud!

****

Apektadong public elem. school ng bagyong ‘Sendong’ tinulungan ng EB classroom project

LAST January 6 ay personal na nagtungo si Dabarkads Anjo Yllana sa Cagayan de Oro City upang personal na bisitahin ang kalagayan ng Bon Bon Elementary School at ang lahat ng mga mag-aaral dito matapos hagupitin ng killer typhoon Sendong.

Ipinakita noong Sabado sa Eat Bulaga ang sira-sirang school rooms, silya libro etc. sa nabanggit na public school.

Kaya naman to the rescue kaagad ang ating Eat Bulaga Dabarkads para makatulong sa mga ito. Kaagad na pinagkalooban ni Anjo ang Bon Bon Elem School ng 100 plastic chairs, mga school supply at SOS.

Kaya naman sa pangunguna ng principal at mga estudyante sa iba’t ibang levels ay masaya at tuwang-tuwa sa malaking tulong ng Bulaga sa kanila.

At hindi lang ‘yan ipare-repair din ng programa ang nasirang mga silid aralan rito bilang bahagi at pagpapatuloy ng kanilang EB Classroom Project. Hulog talaga ng langit ang Eat Bulaga sa maraming Dabarkads mula Batanes hanggang Jolo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply