Lim out na sa next NBI chief list – M’cañang

MISMONG ang Malakanyang ang nagsabi na malabong maitalaga bilang bagong NBI director si Customs Deputy Commissioner Danilo Lim.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi maaaring italaga bilang direktor sa NBI ang hindi abogado.

Si Lim ay retiradong Army Scout Ranger chief sa ranggong Brigadier General pero hindi miyembro ng Philippine Bar.

“If you are not a lawyer, you cannot head the NBI,” ani Lacierda.

Kabilang sa lumulutang na posibleng ipalit kay dating NBI director Magtanggol Gatdula sina retired PNP chief Raul Bacalzo Jr., isang abogado, at police director Samuel Pagdilao, isa ring abogado at kasalukuyang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply