Lingguhang kilos-protesta ng Piston, plantsado na

IKINASA na ng Pinag-isang Samahan ng Mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang kanilang lingguhang kilos-protesta dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Piston national chairman George San Mateo, sisimulan nila ang kanilang protesta sa pamamagitan noise barrage sa Quezon City.

Ipinaliwang ni San Mateo na bagsak na ang presyo ng langis sa World Market dahil maliit and demand ng America at Europa kaya maraming motorista ang nagrereklamo sa biglang pagtaas ng presyo ng langis.

Dagdag pa ni San Mateo na hindi sapat ang roll back na ipinatupad ng mga kompanya ng langis at panahon na para ipatupad ang malaking rollback. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply