Lintang Bedol mananatili sa Camp Crame – Mupas

INILABAS na ang kautusan mula sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) kung saan dapat mapiit si dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol na nahaharap sa kasong electoral sabotage.

Sa inilabas na “commitment order” ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng Branch 112, ipinasya niyang manatili sa custodial center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame si Bedol kung saan niya pinagsilbihan ang anim na buwang pagkabilanggo matapos patawan ng indirect contempt ng Commission on Election (Comelec).

Nakatakda na sanang makalaya si Bedol kahapon, Enero 19 matapos pagsilbihan ang anim na buwang pagkabilanggo na ipinataw sa kanya ng Comelec en banc kaugnay sa inimbestigahang kaso ng pandaraya sa halalan noong 2007, subalit muli siyang naharap sa kasong electoral sabotage, kasama sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr.

Nauna rito’y naghain din ng mosyon ang abogado ni Bedol sa sala ni Judge Mupas na humihiling na suriing muli ang isinampang kaso sa kanyang kliyente kung may sapat na ebidensya bago sampahan ng naturang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply