Liwag at Oban ipupuwesto na ni PNoy

HANDA na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na bigyan ng posisyon sa kanyang gabinete ang dalawang retiradong heneral.

Sa ginanap na turnover at retirement ceremonies sa PCG headquarters, ipinahayag ni Pangulong Aquino na balak niyang bigyan ng bagong puwesto ang bagong retirong si PCG commandant Admiral Ramon Liwag.

Sinabi ng Pangulo na kahit humantong na sa retirement age si Liwag, hindi pa tapos ang kanyang paglilingkod sa bayan.

Pabiro pang sinabi ng Pangulo na bibigyan muna niya ng pagkakataong makapagbakasyon ngayong araw si Liwag at bukas na mag-report.

Maging si dating AFP Chief Eduardo Oban ay bibigyan din ni PNoy ng bagong posisyon sa gobyerno pagkatapos ng tatlong buwang pamamahinga.

Hinihintay na lamang ng Pangulo kung kailan handa si Oban na muling magserbisyo sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply