Llamas pinagbibitiw sa pagbili ng pirated DVDs

PINAGBIBITIW ng minorya sa Kamara si Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas upang hindi na malagay sa kahihiyan ang Malakanyang.

Ito ay matapos makunan ng litrato si Llamas habang bumibili ng mga piniratang DVDs sa isang tindahan sa loob ng Circle C sa Congressional Avenue, Quezon City noong Lunes ng gabi na nagkakahalaga ng P2,000.

Sinabi ni ANAD Party-list Rep. Pastor Alcover, Jr. na masyado nang nakakaladkad ni Llamas ang pamahalaan sa mga kahihiyan kung saan ang una ay nang madiskubre ng mga pulis ang isang AK-47 rifle sa kaniyang SUV matapos masangkot sa isang car accident.

“He should resign para ma-spare ang Malacanang for further embarrassment besides dumadami ang leftist sa Malakanyang,” ani Alcover sa Lingguhang press conference ng Minority Bloc.

Panawagan naman ni House Minority Leader Danilo Suarez sa Intellectual Property Office (IPO) na maglabas ng posisyon laban kay Llamas.

Aniya, masamang ehemplo si Llamas kaya’t dapat na hindi ito makalagpas sa pangalawang pagkakasala.

“Walang government official na bumibili ng pekeng DVD. Masamang ehemplo,” giit naman ni Suarez.

Maging ang Optical Media Board ay kinalampag ni Suarez na aksyunan at kondenahin ang pamimiling ito ni Llamas ng mga pekeng DVD.

Sa kaniyang pagtungo sa Circle C ay kasama pa umano ni Llamas ang dalawang naka-barong nitong mga bodyguard.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply