Lokal na pamahalaan ng ComVal nagpabaya– Robredo

PAGPAPABAYA ng local government ng Compostella Valley ang sinisilip na dahilan sa pagkamatay ng ilang residente sa landslide

Ito ang pinaniniwalaan ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo hinggil sa naganap na landslide sa Barangay Pantukan Compostella Valley na ikinamatay ng 31 katao at pagkawala ng 150 iba pa.

Ayon kay Robredo, malinaw na may kapabayaan ang lokal na pamahalaan sa trahedya kahit pa sabihin na matitigas ang ulo ng mga residente roon.

Maaalala na simula noong 2001, ito ang pang-15 beses na nagkaroon ng landslide sa Compostella Valley na naglibing sa daan-daang buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply