Lola na-akyat bahay: Alahas, pera nalimas

AABOT sa milyon ang halaga ng alahas at pera na natangay ng mga hinihinalang miyembro ng “akyat bahay gang” makaraang looban ang isang matandang babae sa Quezon City kahapon (Biyernes, Enero 27).

Hindi makapaniwala si Lola Edna Aquino, 63 at residente ng Dakilang Lumpo St., Philcom Subd., Brgy. Bahay Toro, QC nang madatnang magulo ang loob ng kabahayan at nawawala ang mahahalaga niyang alahas at pera kasama ang isang kalibre .45 baril na nakalagay sa safety vault.

Batay sa ulat ni PO2 Melvin Capili ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, tinatayang naganap ang nakawan sa pagitan ng 12:00 ng tanghali hanggang 10:00 ng gabi kagabi .

Lumitaw sa imbestigasyon na umaga pa lamang ay umalis ng bahay ang biktima kasama ang kasambahay at maaaring dito itinaon ng mga magnanakaw na pasukin ang bahay matapos masigurong walang tao sa loob ng bahay ng biktima.

Winasak umano ang kandado sa main entrance door kung saan dumaan ang mga magnanakaw.

Malaki ang paniwala ng mga pulis na matagal nang sinusubaybayan ng mga suspek ang galaw ng biktima bago tiniyempuhang pasukin ang bahay ng malamang umalis ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply