Lola utas sa magnanakaw na pamangkin

PATAY ang isang lola matapos bigtihin ng damit at pagnakawan ng pamangkin na babae sa Malabon City, Lunes ng umaga, Enero 2.

Wala nang buhay nang idating sa Manila Central University hospital si Felicitas Navarro, ng Del Monte ave., Potrero ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Tina Trisha Navarro, 36, pamangkin at pansamantalang nanunuluyan sa biktima.

Base sa ulat, alas-6 ng umaga nang makitang walang malay ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na dakong alas-11 kagabi, inalok ng kape ng suspek ang asawa ng

b iktima na si Maneleo, 66 subalit nang maubos ay nakatulog ang huli.

Nang magising si Maneleo ay hinanap ang asawa subalit nang makita ay nakagapos ang mga kamay ng electrical cord at walang malay dahil sa nakapulupot ng damit sa leeg na naging dahilan upang dalhin sa MCU.

Nawawala rin ang P4,200 ng lola at naglaho na rin ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply