Lola utas sa ligaw na bala sa Maynila

NASAWI ang 88-anyos na lola makaraang tamaan ng ligaw na bala na magsisimba sana sa Sta. Ana, Maynila.

Idineklarang dead on arrival si Josefina Tablan sa Ospital ng Maynila, dahil sa isang tama ng bala sa kanyang tiyan ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na naglalakad ang biktima sa kanto ng Pasig Line at Augusto Francisco St. kasama ang anak nito nang makasalubong ang isang grupo ng kabataan na nag ra-riot.

Kasunod nito ay pag-alingawngaw ng putok ng baril at tinamaan ang biktima.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply