Lolo lumagok ng silver cleaner, tepok

HINDI na umano nakayanan pa ang iniindang sakit kaya minabuti na lamng ng isang lolo na wakasan ang kanyang buhay sa pamamgitan ng paglagok ng silver cleaner sa Binondo, Maynila kaninang umaga.

Hindi na nadala pa sa pagamutan ang biktima na si Manolito Hernandez, 62, walang trabaho at taga-Del Pan, Binondo, Maynila.

Batay sa report ni PO2Jose Gumilan, dakong alas-7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Labisares Barcelona, San Nicolas ng nasabing lugar.

Ayon kay Roxan Panlilio, nakita umano niyang may hawak na maliit na puting plastic bottle ang biktima na hinihinalang silver cleaner dakong 9:00 kagabi (Enero 12).

Napag-alaman naman kay Vironica, asawa ng biktima, na matagal nang niinda ng biktima ang kanyang sakit sa high blood at dahil sa kakapusan ng pambili ng gamot ay maaari umanong minabuti na lamang nitong magpakamatay.

Dinala sa Ilagan Funeral Home ang bangkay ng biktima para sa autopsy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply