Lolo pinagtulungang katayin ng mag-utol

TADTAD ng saksak at pinagtataga pa na parang hayop ang 65-anyos na lolo makaraang pagtulungang patayin ng isang magkapatid sa bayan ng Hinigaran sa Negros Occidental, sa ulat ng pulisya kanina.

Sa ulat sa Camp Crame, kinilala ang  biktima na si Jolito David, ng Barangay Maytubig, Isabela.

Dead on the spot ang biktima sanhi ng mga sugat na kanyang tinamo mula sa magkapatid na sina Jolito at Pepito Manggubat ng Brgy. San Agustin, Isabela

Agad namang naaresto ng Hinigaran PNP ang magkapatid na suspek at kasalukuyan ngayong nakakulong na.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply