Lopez isusunod ni Donaire

KUNG gugustuhin ni bantamweight king Nonito Donaire Jr. ay maaari niyang harapin si Juan Manuel Lopez pagkatapos ng laban niya kay dating champion Wilfredo Vasquez Jr. sa Linggo.

Si Lopez ay matagal ding nagbabad sa super bantamweight division kung saan magsasagupa sina Donaire at Vasquez.

Subalit maisasakatuparan lamang ang laban nina Lopez at Donaire kung aakyat ang The Filipino Flash sa featherweight.

Gayunman, malabo pa itong mangyari ngayong taon dahil si Donaire ay nais manalasa muna sa bago niyang weight class.

Nasa listahan din ni Donaire sina WBC Champion Toshiaki Nishioka, WBA champ Guillermo Rigondeaux at IBP kingpin Takalani Ndlovu.

Kung sakali umanong makaharap ni Donaire si Lopez ay ito ang magiging pinakamalaking laban niya sa kanyang karera.

Bukod pa rito, tiyak ding malaki rin ang tatabuin niyang premyo sa laban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply