Loren dadalo na sa impeachment trial

DUMATING na si Sen. Loren Legarda sa Senado na bukod sa dumalo sa ginanap na plenaryo sa mga nabinbin na panukalang batas ay dadalo na rin sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona.

Sa panayam, sinabi ni Legarda na opisyal siyang nagpaalam sa Senado upang pangasiwaan ang pagpapaopera ng kanyang yaya na dumanas ng colon cancer kaya’t dalawang linggo siyang hindi nakasali sa paglilitis kay Corona.

“I am always ready. And I am ready for the impeachment trial,” ayon kay Legarda.

Sinabi ni Legarda na kasalukuyang nagpapagaling ang kanyang yaya na tinatawag niya Nanay kaya’t makadadalo na siya sa impeachment court.

“She’s to weak but recovering. I am her care-giver for two weeks,” aniya.

Sa unang pagdalo sa impeachment trial, sinabi ni Legarda na mag-oobserba muna siya sa proseso upang matunghayan ang pangyayari sa paglilitis kay Corona kahit aktuwal siyang sinasabihan ng kanyang mga staff hinggil sa nangyayari dito.

Aniya makikinig muna siya, kahit na araw-araw ay binibgyan siya ng briefer, nagbabasa ng transcripts ng paglilitis at nanonood ng live telecast.

“For now, I will attend the caucus before the impeachment trial begins this afternoon and refrain from commenting on the trial proper,” patapos ni Legarda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply