Lotto jackpot prize nasilat ng solong mananaya

MASAGANA ang pagsalubong sa Bagong Taon ng isang mananaya sa six-digit draw nang mahagip ang anim kumbinasyon na binola noong Sabado ng gabi bago maghiwalay ang taon sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Solong napanalunan ng hindi pa nabanggit na mananaya ang jackpot prize na P10,438,234 nang makuha ang kumbinasyong 3-5-0-2-4-0 sa six-digit draw.

Wala namang nakakuha sa kumbinasyong 22-50-26-41-51-07 sa Grand Lotto draw na binola rin noong Sabado ng gabi na may nakalaang premyong P66.4 milyong jackpot prize.

Ipinagmalaki naman ng PCSO ang pagkakalikha nila ng mga bagong milyonaryo halos buwan-buwan nitong 2011.

Noon lamang Nobyembre, dalawa ang naghati sa P134.6 jackpot sa Grand Lotto habang isa ang nanalo ng P93.5 milyon sa Super Lotto.

Noon namang Oktubre, tatlo ang naghati sa halos P95 milyong jackpont sa Super Lotto, isa naman ang nakakuha ng P72.5 milyon sa Grand Lotto nitong Setyembre, isa rin ang yumaman ng P142 milyon sa Grand Lotto nitong Agosto 2011  habang sinolo ng isang mananaya ang P106.844 milyon sa Superlotto nitong nakaraang Hulyo 2011.  Nasa P65.2 milyon naman ang nakubra ng isang mananaya sa Grand Lotto nitong nakaraang Hunyo.

Nananatili pa rin naman ang rekord na pinakamalaking tinamaan ng isang mananaya sa halagang P741.176 milyon na nakuha noong Nobyembre 2010 ng isang balikbayan na tumaya ng lucky pick sa Subic, Pampanga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply