Lover ng pinaslang na guro tinutugis na

NAGSASAGAWA na ngayon ng manhunt operation ang Manila Police District-Homicide Section laban sa sinasabing “lover” at suspek sa pagpatay sa 49-anyos na high school teacher na si Nelson Macam.

Ito ay matapos na makakuha ng impormasyon ang kapatid ng biktima na isang retired major na pulis-Maynila.

Ayon kay PO3 Jupiter Tajonera, nakikipagtulungan na sa kanilang imbestigasyon si P/Insp. Antonio Macam, dating nakatalaga sa MPD upang mas mapadali ang pagresolba sa pagkamatay ng biktima.

Inihayag ni Tajonera na may lead na sila at natutumbok na ang suspek makaraang makakuha ng mga imporamsyon mula sa mga kaibigan ng guro.

Tumanggi namang ibunyag ni Tajonera ang buong detalye upang hindi “masunog” ang ginagawang imbestigasyon at follow up operation para sa ikadarakip ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply