Lovi Poe pantasya ng mga kalalakihan

BEFORE ay si Jolo Revilla ang buang na buang (baliw na baliw) dito kay Lovi Poe. Hindi ba’t naging all mine to give pa nga si Jolo sa morenang young singer-actress na nakarelasyon? Tapos ngayon, kahit na todo-iwas na itong si Lovi sa ex na rating kongresista at negosyanteng si Ronald Singson, balak daw ngayon nitong puntahan ang dalaga sa pad nito para makapag-usap sila nang masinsinan ng kini-claim pa rin nitong nobyang aktres. Bakit? Ano ba talaga ang sikreto nitong si Lovi at halos lahat ng kalalakihan ay pantansya siya?

Kahit nga ‘yung mga nakausap naming bagets type raw nila ang pagiging black beauty ng daughter ng namayapang hari ng action na si FPJ, idagdag pa raw ang sex appeal na taglay nito. Sabagay, kitang-kita ito sa kanyang wine commercial na iniere ngayon na parang nandadagit talaga ang mga tantalizing eyes ng alagang ito ni Leo Dominguez. May K nga pala talaga my BFFT Pete A. na mag-bold ito.

Wapak gyud!

***

Eula, Empress, Nikki, Ejay sa kani-kanilang istorya sa ‘Mundo Man ay Magunaw’

MALAPIT nang mapanood ang pinakabagong de-kalibreng teleserye na kukumpleto sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN. Maituturing na isang ‘casting coup’ ang nasabing teleserye dahil sa bago at kapanapanabik na bagong kombinasyon ng mga artista.

Ang “Mundo Man ay Magunaw” ay pagsasamahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na batang aktor at premyadong artista ng bansa kabilang sina Empress, Nikki Gil, Ejay Falcon, Sylvia Sanchez, Allan Paule, Pinky Amador, Jason Gainza, Dianne Medina, Alex Castro, Tessie Tomas, at Eula Valdes.

Ayon kay Eula, marami ang makare-relate sa kwento ng kanilang bagong show lalo na ang mga ina.

Aniya, “Ang karakter ko rito ay isang mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para makasama ang mga anak niya.”

Masaya naman si Empress sa panibagong pagkakataong bumida sa panghapong teleserye ng ABS-CBN.

Aniya, tiyak na tututukan ng TV viewers ang mga karakter ng kanilang kuwento. “Excited akong mapanood nila ito kasi ngayon lang ako gagawa ng mas mature na role. Mabuting anak ako rito pero palaban. Kakaiba rin dito si Ms. Eula dahil parang ngayon lang siya hindi kontrabida,” ani ni Empress.

Bago naman sa acting career ni Nikki ang kanyang gagampanan bilang bida-kontrabida sa karakter niyang puno ng ambisyon at naghahanap ng pagtanggap. “Ako po rito si Jennifer La Peña. Isa po akong matapang na babae na gustong mapatunayan sa lola ko na ako ang karapat-dapat na tagapagmana niya,” sabi ni Nikki.

Sundan sa Mundo Man ay Magunaw ang kwento ni Olivia (Valdes) at ng kanyang mga anak na sina Sheryl (Empress) at Jennifer (Nikki) at kung paano sila pinag-ugnay ng tadhana matapos ang 20 taon na pagkakawalay. Magawa kaya ng isang ina na buuhin ang pamilya niyang winasak ng kasinungalingan o tuluyan na siyang susuko sa sunud-sunod na dagok ng buhay na kahaharapin niya?

Sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Rechie Del Carmen, magsisimula na ang pag-ikot ng mundo nina Olivia, Sheryl at Jennifer sa Enero 30 (Lunes) ang pagbubukas ng teleseryeng para sa lahat ng ina at para sa kanilang mga anak, Mundo Man ay Magunaw, araw-araw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbn-dotcom sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook fanpage ng show na  http://www.facebook-.com/mundomanaymagunaw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply